052 - Inaawit Ko ang Lakas

Inaawit ko ang lakas ng Diyos na naglatag
Ng bundok na matataas at ng mga dagat;
Ang karunungang dakila na siyang nagtakda
Ng marapat maging gawa ng bawa't buntala.

Inaawit ko ang awa ng diyos na dakila
Sa ganang nagkakalinga sa Kanyang nilikha;
Kababalaghan Mo'y hayag at kita ng lahat
Sa lupa't langit ay bakas pawing nakalahad.

Walang halama't bulaklak na di naguulat
Ng malwalhati Mong dilag na hayag sa lahat;
Sa bawa't Iyong nilalang ikaw'y nagbabantay
Walang dakong tutunguhang di Mo maratnan.

0:00 0:00